-Ikaw sa likod ng usok-
Wala na akong pera
Gutom ako sa nikotina
Nakita kita
Hindi pa humihingi
Binigay mo na
Natuwa naman ako
Yosi ang tulay
Umasa akong mauulit
Natuwa muli ako
Lagi mo akong binibigyan
Minsan lang ako makaramdam nang gan’to
Patuloy lang ‘yon
Ito ang punto
Ang saglit
Ang pagkakataong nag-blog na ako
ang aking binyag
Umaasa akong makita at maamoy
Ang mga brown na tabako
Sa loob ng maputing papel at filter
Patuloy lang ‘yon
Alam kong balang araw
Matatapos ang lahat
Wala ka nang maibibigay na yosi
Kaya ngayon
Habang umuusok pa
Habang mainit pa
Susubukan kitang balatan
Dahan-dahan kong bubuksan nang parang regalo
Ang maputing papel na nakabalot sa’yo
Nanamnamin ko muna
Ang panahong ito
Kung saan mahaba-haba pa ang yosi
Kung kailan madali pang balatan at hawakan
Kung saan hindi pa nawawala ang usok at init
Kung saan hindi pa patapon ang yosi
Putangina! Napa-blog ako!